^

Bansa

BPI director pinasisibak ng mga magsasaka

-
Nagkaisa ang mga magsasaka sa buong bansa na dapat sibakin sa puwesto si Bureau of Plant Industry director Umpar Adiong na pumapabor sa pag-angkat ng mga gulay sa ibang bansa sa halip na tulungan sila na maiangat ang kanilang kabuhayan.

Kasangga ng mga magsasaka sina Benguet Gov. Raul Molintas at Mt. Province Gov. Sario Malinias at 13 municipal mayor ng Cordillera at nanawagan kay Pangulong Arroyo na sibakin sa puwesto si Adiong.

Sinabi ni Gov. Molintas na noong buwan ng Agosto pa lang ay pinayagan umano ni Adiong ang pag-angkat ng mga imported na mga gulay na umaabot sa 904,000 kilo na ibinabagsak sa Divisoria at Balintawak na nagiging dahilan para malugi ang mga magsasaka ng multi-milyong piso sa industriya ng gulay.

Dinagdag pa ni Gov. Molintas na nag-isyu umano ang BPI ng 105 permits para maka-angkat ang mga kilalang importers sa bansa gaya ng Rustans, PAL, Asian Development Bank at mga kilalang negosyante ng gulay sa Divisoria.

Ang permit na iniisyu umano ng BPI para hindi malaman kung anong uring gulay ang naaangkat sa paglalagay ng "fresh vegetables and herbs".

Nagbabayad umano ng mababang taripa ang mga naisyuhan ng permit sa kanilang mga gulay tulad ng celeries at pepper subalit ang mga container van ay may halong patatas, carrot, broccoli, asparagus na mayroon namang produkto ang magsasaka ng Benguet.

Inamin naman ni Customs Commissioner Antonio Bernardo na dumalo sa isang diyalogo sa mga magsasaka kamakailan, na alam niya na talamak ang smuggling ng mga imported na gulay at prutas subalit kinakailangan umano ang tulong ng kanilang tanggapan ang impormasyon para masugpo ang smuggling activities.

Ang anumang matatanggap nilang impormasyon ay agad nilang aaksyunan.

ADIONG

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BENGUET GOV

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DIVISORIA

GULAY

MOLINTAS

MT. PROVINCE GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with