^

Bansa

OGCC chief sinibak sa Piatco deal

-
Sinibak ng Malacañang si Justice Amado Valdez bilang pinuno ng Office of Government Corporate Counsel (OGCC) kaugnay ng umano’y usapin sa Piatco deal sa NAIA terminal 3.

Inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye ang pagkakatalaga kay Justice Undersecretary Manuel Teehankee bilang bagong OGCC head.

Ayon kay Bunye, ang unang plano ni Pangulong Arroyo ay pagpapalitin lamang ng puwesto sina Teehankee at Valdez, pero sinabi ni Bunye na hindi umano tinanggap ni Valdez ang puwesto sa DOJ bilang undersecretary dahil hindi naman umano inalok sa kanya.

Ayon sa source, napag-initan si Valdez dahil sa hindi kursunada ni Presidential Assistant on Strategic Concerns Gloria Tan Climaco ang opinyon niya sa Piatco deal. Gusto ni Climaco na ipawalambisa ang buong kontrata samantalang nais ni Valdez na ilang probisyon lamang ang alisin. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

BUNYE

ELY SALUDAR

JUSTICE AMADO VALDEZ

JUSTICE UNDERSECRETARY MANUEL TEEHANKEE

OFFICE OF GOVERNMENT CORPORATE COUNSEL

PANGULONG ARROYO

PIATCO

PRESIDENTIAL ASSISTANT

VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with