Zuño matunog bilang Ombudsman
October 10, 2002 | 12:00am
Nagiging matunog ang pangalan ni Department of Justice (DOJ) Chief Prosecutor Jovencito Zuño bilang mauupong Ombudsman makaraang pangunahan nito ang listahan ng mga pangalang isinumite kahapon ng Judicial and bar Council (JBC) sa Malacañang matapos ang isinagawa nitong public hearings.
Ayon kay Senator Francis Pangilinan, miyembro ng JBC kabilang sa mga isinumiteng pangalan na pagpipilian sa posisyon ng Ombudsman ay sina Solicitor General Simeon at Social Security Commission Chairman Bernardino Abes habang bumagsak naman sa ikaapat na puwesto si Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman na si Haydee Yorac.
"Choosing the right person for the job as Ombudsman is crucial and this is another litmus test to President Arroyos leadership and her uttered resolve to build a strong republic," wika ni Pangilinan.
Ipinaliwanag ni Pangilinan ang aktibong partisipasyon ng publiko sa isinagawang mga public hearings ng JBC ay malaking tulong kaugnay sa pagpili ng magiging nominado sa Ombudsman.
Nasa Malacañang na ngayon ang pagpapasya kung sino sa tatlong nominado ang susunod na Ombudsman at papalit kay Acting Ombudsman Margarito Gervacio Jr. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended