^

Bansa

Jinggoy huli ng spy camera na nagyo-yosi

-
Nahuli ng camera ng ABS-CBN si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada na naninigarilyo sa labas ng kanyang silid sa Veterans Memorial Medical Center sa kabila ng sakit nito sa puso.

Nakita sa video ng Mission X na kasama ni Jinggoy ang dating vice mayor nito na si Philip Cesar na naninigarilyo sa may helipad ng VMMC.

Kaugnay nito, itinuturo ng Sandiganbayan Special Division sa PNP ang pag-iimbestiga sa napaulat na paglalakwatsa ng dating alkalde sa labas ng kanyang silid.

Ayon kay Atty. Renato Bocar, tagapagsalita ng special division, dapat na si PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane ang magpaimbestiga sa napaulat na insidente dahil sila ang may kustodiya sa mag-amang Estrada.

Nararapat umanong si Ebdane ang magpasimula nito upang alamin kung tutoo na nagiging maluwag ang pagbabantay sa dalawang akusado.

Una nang isinumbong ni Assistant Ombudsman Dennis Villaignacio sa korte ang umano’y pagkakita ng ilang tao sa mag-ama na namamasyal sa golf course ng VMMC.

Ayon kay Villaignacio, minsan nang hiningi ni Atty. Rene Saguisag sa korte ang karapatang magpa-araw ang mag-ama subalit tinanggihan ito ng mga mahistrado dahil maaari umanong maging mitsa ito ng kanilang buhay.

Iginiit naman ni Atty. Raymund Fortun, tagapagsalita ni Estrada na tanging si Erap lamang ang hindi pinapayagang lumabas ng silid dahil sa pinagkakaguluhan umano siya ng mga tao samantalang hinahayaan si Jinggoy na makapag-jogging at makapag-ehersisyo dahil na rin umano sa lumalala nitong sakit sa puso. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ASSISTANT OMBUDSMAN DENNIS VILLAIGNACIO

AYON

HERMOGENES EBDANE

JINGGOY

MALOU ESCUDERO

MISSION X

PHILIP CESAR

RAYMUND FORTUN

RENATO BOCAR

RENE SAGUISAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with