P64-B scam sa Customs ibinulgar
September 7, 2002 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni acting Ombudsman Margarito Gervacio ang P64 bilyong scam sa Bureau of Customs (BOC).
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Gervacio na kanyang inatasan na ang fact finding bureau ng Ombudsman sa pangunguna ng hepe nitong si Director Gerardo Lantoria para siyasatin ang anomalyang ito.
Ang hakbang ay ginawa ni Gervacio matapos na isang impormante ang magsumbong sa kanya sa naturang anomalya at ang mga sangkot umano dito ay pawang aktibo pang opisyal at tauhan ng BOC.
Batay sa impormasyong naibigay kay Gervacio ng naturang impormante, ang anomalya ay bunga ng pagkawala ng mga nakumpiskang puslit na mga kargamento na kahina-hinalang nawala sa custody ng Customs na kabibilangan ng mga bakal at ibat ibang equipment.
Sa halip na mapunta ito sa gobyerno at maibenta sa pribadong indibidwal para magkaroon ng dagdag na kita sa pamahalaan, lumalabas umanong napakinabangan lamang ito ng iilang tao sa pakikipagsabwatan ng mga taga-Customs.
Binigyang-diin ni Gervacio na kung makakakita sila ng matitibay na ebidensiya sa anomalyang ito at hindi na matunton ang mga nawawalang kargamento, agad nilang irerekomenda ang pagpapatalsik ng mga opisyales at tauhan ng BOC na sangkot dito bukod pa sa pagsasampa ng kaukulang kaso hinggil dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended