^

Bansa

Negosasyon sa Sulu kidnappers ipinatigil ng Pangulo

-
Ipinatitigil na ni Pangulong Arroyo ang anumang negosasyon sa mga bandidong grupo na bumihag sa apat na miyembro ng Jehovah’s Witnesses sa Patikul, Sulu.

Sinabi ng Pangulo na nagsisilbing balakid sa operasyon ng militar ang nasabing negosasyon. Inihalimbawa nito ang mga ilalatag na kondisyon ng mga kidnapper na aniya’y magpapatagal lamang sa military operation.

Nais ng Pangulo na magtuluy-tuloy ang rescue operations sa mga nalalabing bihag.

Sa kasalukuyan ay may anim na batalyon ng militar kabilang ang Scout Rangers ng Phil. Army ang patuloy na sumusuyod sa kagubatan upang hanapin ang pinagtataguan sa mga bihag.

Selyado na ang lahat ng exit points na maaaring daanan ng mga kidnapper sa pagtakas nila tangay ang mga hostage.

Kasabay nito, pinalawig ng Pangulo ng ilang araw ang termino ni AFP Chief of Staff Gen. Roy Cimatu.

Si Cimatu ay magreretiro sa Sept. 4 subalit nais ng Pangulo na manatili ito ng hanggang Setyembre 10 ngayong taon.

Ipinahiwatig ng Pangulo na bago umalis sa AFP si Cimatu ay baka maresolba nito ang problema sa Sulu.

Aminado ang Pangulo na nanghihinayang siya kay Cimatu subalit nais din nitong bigyan ng pagkakataon ang iba pang opisyal sa AFP. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AMINADO

CHIEF OF STAFF GEN

CIMATU

ELY SALUDAR

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROY CIMATU

SCOUT RANGERS

SI CIMATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with