^

Bansa

US ayaw ilabas ang video kay Sabaya

-
Tumanggi ang Estados Unidos na ilabas ang video footage na nagpapatunay umanong patay na si Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya sa naganap na enkuwentro sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Francis Ricciardone, walang dahilan upang ilabas sa publiko ang video lalo pa’t ito ay nasa kamay ng intelligence office ng US.

Ang pahayag ni Ricciardone ay sa kabila ng mga kahilingan na ilitaw na ang video footage upang maalis na ang pagdududa kung patay na o buhay pa si Sabaya.

Ikinatwiran ni Ricciardone na naipakita na ang video sa mga intelligence officials at maging kay Pangulong Arroyo.

Aniya, kumbinsido rin ang US government na patay na si Sabaya kaya hindi na dapat pang pagtalunan ang nasabing usapin.

Kaugnay nito, sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na wala ng balak ang Palasyo na ipilit pa ang pagpapalabas ng video at nauunawaan ng Malacañang ang pagtanggi ng Amerika dahil itinuturing na isang sensitibong material ng US intelligence ang video footage.

Sinabi naman ni National Security Adviser Roilo Golez na hindi gobyerno kundi ang mga nagsasabing buhay si Sabaya ang dapat na maglabas ng ebidensiya upang matapos na ang isyu. (Ulat ni Ely Saludar)

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ELY SALUDAR

ESTADOS UNIDOS

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINES FRANCIS RICCIARDONE

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

RICCIARDONE

SABAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with