^

Bansa

Dollar accounts ni Lacson winithdraw ng misis - NBI

-
Ibinunyag kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) na winithdraw ng asawa ni Senador Panfilo Lacson ang kanyang dollar accounts na nakadeposito sa PCI-Equitable Bank Greenhills branch at idineposito ito sa isang bangko sa Amerika noong kasagsagan ng impeachment trial ng pinatalsik na dating Pangulong Estrada.

Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, ang mga dokumento hinggil sa naturang bank transaction ni Alice Lacson ay ilan sa mga isinumite ng US Attorney General’s Office (AGO) sa Department of Justice (DOJ) upang gamiting ebidensiya laban sa umano’y money laundering activities ng senador noong siya pa ang hepe ng PNP.

"Ang bank transactions ay naganap mula Oktubre hanggang Disyembre 2000," ani Wycoco.

Subalit hindi partikular na binanggit ni Wycoco kung magkano ang halaga ng dollar accounts ni Mrs. Lacson na tinatayang aabot sa daan-daang libong dolyar.

Nauna nang sinabi ni Lacson na ang kanyang bank deposits sa Amerika ay nagkakahalaga lamang ng $200,000 na umano’y gagamiting pang-finance sa pagtatayo ng negosyo ng kanyang business partner na hindi natuloy.

Sinabi rin niya na naisara na niya ang bank deposit sa nasabing bangko noon pang 1997 pero ayon kay Wycoco, ang mga dokumento na isinumite ng AGO ay nagsasaad na hanggang June 5, 2000 ay mayroon pa ring bank transactions si Mrs. Lacson na nagkakahalaga ng $200,000 sa Bank of America sa California.

Base pa rin sa dokumento ng AGO, lumalabas na umaabot sa $700,000 ang bank deposits ng mag-asawang Lacson sa tatlong sangay ng Bank of America at isa sa Wells Fargo Bank sa California.

Masusi ngayong sinisiyasat ang kaugnayan ng mga bank deposit ni Lacson sa Amerika sa umano’y nawawalang $2 milyon na naiulat na nasamsam ng kanyang mga tauhan sa binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Commission (PACC) mula sa lider ng Kuratong Baleleng gang na si William Soronda noong 1995.

Nakatakdang imbitahan si Mrs. Lacson para magpaliwanag hinggil sa kanyang bank accounts sa Amerika bilang bahagi ng imbestigasyon sa umano’y money laundering activities ng kanyang asawa.

Lahat anya ng dokumento na galing sa AGO ay na-validate at pinatunayan ng mga bank experts, kabilang sa mga ito ang transmittal, remittances at tseke na ginamit sa mga transaksiyon ng mag-asawang Lacson. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALICE LACSON

AMERIKA

ATTORNEY GENERAL

BANK

BANK OF AMERICA

DEPARTMENT OF JUSTICE

LACSON

MRS. LACSON

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with