Reunion ng Macapagal sa Malacañang
May 12, 2002 | 12:00am
Lumusob kahapon sa Malacañang ang 1,800 kapamilya ni Pangulong Arroyo kaugnay ng kauna-unahang reunion na idinaos simula ng maupo ito sa puwesto.
Sa maikling mensahe sa kanyang mga kamag-anak, sinabi ng Pangulo na dapat ay matuwa at ipagmalaki ang apelyidong Macapagal dahil sa may dalawang Macapagal na ang naglingkod ng tapat sa bayan bilang pinuno ng bansa.
Lumahok sa reunion ang mga angkan ng Tumangan at Rafanan na galing pa sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija na kamag-anak ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.
Matapos na mag-ikot sa lamesa, makipagkuwentuhan at magpakuha ng litrato kasama ang mga kaanak ay agad ding nagpaalam ang Pangulo para harapin ang mga trabaho.
Kahit na maiksing oras lamang na nakapiling ng Pangulo ang kanyang mga kamag-anak ay naging masaya ang mga ito dahil sa naglaan ito ng oras sa kabila ng marami nitong trabaho. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended