Bong Go, tinulungan mga pamilyang binaha sa Malita, Davao Occidental
MANILA, Philippines — Sumugod ang tropa o ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go sa Malita, Davao Occidental para magbigay ng tulong sa mga pamilyang binaha dahil sa walang tigil na pag-ulan kamakailan.
Sa pakikipag-ugnayan kay Vice Mayor Esme Bautista, tinulungan ng Malasakit Team ang 630 apektadong pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa munisipyo. Nakatanggap ang bawat sambahayan ng mga food pack, kamiseta at iba’t ibang tulong.
Kilala bilang G. Malasakit sa kanyang pakikiramay sa mga komunidad na nangangailangan, binigyang-diin ni Senator Go ang kahalagahan ng pagpapalakas ng disaster preparedness at response mechanisms sa bansa.
Binigyang-diin ng kamakailang pagbaha sa Malita ang mga hamon sa paggamit ng mga pansamantalang evacuation site, tulad ng mga covered court at paaralan, na kadalasang walang maayos na sanitasyon at bentilasyon.
Ayon kay Senator Go, ang principal author at co-sponsor ng Republic Act No. 12076 o ang Ligtas Pinoy Centers Act, kailangang-kailangan na talaga ng mga permanenteng evacuation center para matiyak ang kaligtasan ng evacuees.
“Panahon na upang magkaroon ng bawat lokalidad ng ligtas at kumpleto sa supply na evacuation centers. Bukod sa kalusugan, kailangan ding mapangalagaan ang dignidad ng mga evacuee,” paliwanag ni Go.
- Latest