'Kaibigan' ad si Perez ang bida hindi DOJ
May 5, 2002 | 12:00am
Binatikos kahapon ni House Assistant Minority Leader Gilbert Remulla ang advertisement ni Justice Secretary Hernando Perez at inakusahan nito na pagwawaldas lamang ng salapi ng bayan dahil sa halip umano na ang ibandera ay ang programang "Kaibigan" ng DOJ para ipabatid sa mamamayan ay si Perez ang nagiging bida.
Wika ni Remulla, maituturing na maagang pangangampanya ang ginawang ito ni Perez na may ambisyong tumakbong muli bilang senador sa 2004 matapos matalo noong 1998 elections.
Iginiit ng neophyte solon na bilang delicadeza ay dapat i-pull out ni Perez ang naturang ad saka ibalik niya sa kaban ang nagastos dito dahil hindi naman ang programa ng DOJ ang kanyang isinulong dito kundi para sa ambisyong pulitikal lamang nito.
Idinagdag pa ng mambabatas, bukod sa Kaibigan ad, may isa pang porma ng maagang pangangampanya sa pamamagitan ng promosyon ng DOJ hotline na tinagurian niyang "Nani" na palayaw naman nito.
Aniya, wala sanang masama kung gumastos man ang DOJ ng milyon sa kanilang ads pero dapat ay ang mismong programa na nais nitong ipaabot sa taumbayan ang nasa promosyon at hindi si Perez.
Ipinaliwanag pa ng kongresista, maraming ahensiya ng pamahalaan ang hindi maipatupad ang kanilang mga programa sa kawalan ng sapat na pondo pero itong si Perez ay nakuha pang gumastos sa Kaibigan ad, pero hindi naman ang programa ng DOJ ang kanyang isinusulong kundi ang ambisyon nito sa pulitika. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended