^

Bansa

'Hindi ako ang na-kidnap'- Gino

-
Lumutang kahapon ang aktor/singer na si Gino Padilla sa ‘The Buzz’ show sa Channel 2 para pasinungalingan ang mga nalathala sa pahayagan na siya ay dinukot at pinatay pa umano ang kanyang bodyguard ng limang hindi nakilalang mga armadong kalalakihan sa isang lugar sa Nueva Ecija.

Ayon dito, ang tunay na kinidnap ay si Rodolfo "Gino" Padilla na half-brother ni Robin Padilla at pinsan ni Zsazsa Padilla tulad ng tamang impormasyong ini-report ng dyaryong ito (PSN) kamakalawa.

Binatikos ni Gino ang mga pahayagan na naglabas ng kanyang larawan na ikinabigla ng kanyang ina na muntik ng atakihin at mga kaibigan.

Matatandaan na nagbigay ng pahayag si House Minority Floor Leader Carlos Padilla, kaugnay sa nangyaring pagdukot kay Gino Padilla, 27, habang nasa sakahan ito sa Brgy. Bibitlat, Cuyapo, Nueva Ecija, noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Rep. Padilla, pinatay din ng mga armadong kalalakihan si Sixto Degracia, caretaker/bodyguard ni Gino matapos sunugin ang bahay, kotse at traktora na pag-aari ng mga Padilla.

Humingi naman ng tulong sa mga awtoridad si Jenny Serafin, ina ni Padilla.

Samantala, sinabi ni PNP Region 3 Chief Director Reynaldo Berroya na hindi hawak ng kidnap for ransom (KFR) group ang kapatid ni action star Robin Padilla.

Ayon kay Berroya na isang ordinaryong pagdukot ang ginawa kay Padilla.

Sinabi ni Berroya, dapat anyang may ransom na hiningi ang mga suspek kung grupo ito ng KFR.

Gayunman, nakikipagtulungan sa nasabing kaso si CIDG Chief Director Nestorio Gualberto para malaman ang motibo ng insidente. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AYON

BERROYA

CHIEF DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

CHIEF DIRECTOR REYNALDO BERROYA

GINO

GINO PADILLA

NUEVA ECIJA

PADILLA

ROBIN PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with