^

Bansa

EDSA 4 imahinasyon na lang

-
Imahinasyon na lamang at hindi na magtatagumpay pa ang umuugong na planong pabagsakin ang administrasyong Arroyo.

Sa isang ambush interview, minaliit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Director Edgardo Aglipay ang kakayahan ng mga pro-Erap na maglunsad ng malaking protesta tulad ng nangyari noong Edsa 3 at May 1 Malacañang riot.

Sinabi ni Aglipay na nakausap na niya ang mga opisyal mula sa barangay level at dito’y nakumpirmang mahina na ang suporta sa grupong People’s Movement Against Poverty (PMAP) kaya’t masasabi niyang imahinasyon na lamang ang pag-aalsa ng mga Erap loyalists.

Base sa impormasyon, hindi umano titigil ang PMAP at sila’y kikilos sa Mayo 1 o Labor day kaya’t patuloy na kinakausap ni Aglipay ang liderato nito upang maiwasan ang gulo at mabigyan ng proteksiyon ang mga ralista pati na rin ang publiko. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AGLIPAY

DIRECTOR EDGARDO AGLIPAY

EDSA

ERAP

IMAHINASYON

JOY CANTOS

MALACA

MOVEMENT AGAINST POVERTY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with