^

Bansa

Plunder vs Erap mababasura dahil sa 'double jeopardy'

-
Malakas ang paniwala ng mga abogado ni dating Pangulong Estrada na posibleng mabasura ang P4.1 bilyong plunder case laban sa pinatalsik na presidente dahil sa tinatawag na "double jeopardy."

Kumbinsido sina Attys. Rene Saguisag at Cleofe Villar-Verzola na maisusulong ng depensa ang double jeopardy sakaling matuloy ang graft case laban kina Estrada at asawa nitong si Sen. Luisa Ejercito.

Palpak aniya ang estratehiya ni Ombudsman Aniano Desierto matapos paghiwa-hiwalayin ang mga kasong kriminal ni Estrada.

Ipinagbabawal ng batas ang hiwalay na paglilitis sa isang akusado para sa dalawang magkatulad na kaso kung saan konektado ang excise tax sa graft case sa mga kasong nakapaloob sa plunder.

"May double jeopardy siguro. That is a problem of their own making. Diyan sila nadapa, diyan sila titihaya," pahayag ni Saguisag.

Sinabi ni Verzola na haharangin ng depensa ang kahilingan ng prosekusyon na balewalain na ang graft case na may kaugnayan sa diversion ng P130 million tobacco excise tax.

Kasalanan umano ng Ombudsman ang malaking pagkakamali dahil sa pagmamadali nitong isampa ang walong kaso noong Abril 4, 2001 nang hindi lubusang pinag-aaralan. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

ABRIL

ATTYS

CLEOFE VILLAR-VERZOLA

DIYAN

IPINAGBABAWAL

LUISA EJERCITO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PANGULONG ESTRADA

RENE SAGUISAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with