^

Bansa

DOTC at NTC mga 'weakest link'

-
Itinuturing ni Senadora Tessie Aquino-Oreta sina Department of Transportation and Communication(DOTC) Secretary Pantaleon Alvarez at National Telecommunication Commission (NTC) Commissioner Eliseo Rio bilang mga "weakest link" ng Arroyo administration dahilan sa kabiguan nitong ipatupad ang kanilang mga binuong circular na nilabag ng Smart Communications at Globe Telecoms.

Sinabi ni Oreta na isang malaking sampal sa direktiba ng NTC na nakapailalim sa DOTC ang hindi pagsunod ng Smart at Globe na gamitin nito ang per-pulse billing scheme na siyang nakapaloob sa NTC Circular No. 13-6-2000.

Inutil na anya si Alvarez sa pagpapasunod kay Rio dahilan sa kahit na lantaran ang paglabag na ginagawa ng mga ito sa mismong isinasaad ng kanilang binuong alituntunin ay wala itong magawa.

Hindi na anya nakapagtataka kung bakit hindi binibigyan ng puwang ng kanyang mga kasamahang mambabatas na palusutin si Alvarez sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahilan sa dami ng kapalpakan.

May direktiba na ang Court of Appeals na legal na maipatutupad ng NTC ang kanilang direktiba sa Smart at Globe upang bumaba ang singil ng voice calls ngunit hindi ito kumikilos at maging si Alvarez ay walang ginagawa sa harap-harapang pambabastos sa kanya ni Rio.

Kamakailan lamang ay binawasan na naman ng dalawang cellphone giants ang kanilang free text ng panibagong 33 porsiyento na nag-iwan na lamang ng 33 free text sa kanilang mga subscribers at balak pa nitong itaas pa ang presyo ng kanilang text sa P3.

Ang pag-disiplina mga kumpanyang ito ay nasa kamay ng NTC na siyang dahilan kung bakti sila ay binuo ng pamahalaan upang pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at hindi ng mga kumpanyang kumukuha sa kanila ng lisensiya.

Dahilan sa lumalabas na weakest link sina Alvarez at Rio sa Arroyo administration, dapat na nitong sabihan ng ‘‘goodbye’’ ang dalawang opisyal dahilan sa malamang sa masundan pa ang mga kapalpakan ng mga ito. (Rudy Andal)

ALVAREZ

CIRCULAR NO

COMMISSIONER ELISEO RIO

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GLOBE TELECOMS

NATIONAL TELECOMMUNICATION COMMISSION

RUDY ANDAL

SECRETARY PANTALEON ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with