^

Bansa

Wala na si Santa Cop at Robocop

-
Hindi na ninyo makikita pa na gumagala sa mga shopping malls at busy streets sa San Juan ngayong Kapaskuhan ang fictional characters na sina Santa Cop at Robocop.

Ito ay matapos na magpasya ang local na pamahalaan ng San Juan na i-scrap na ang dalawang programa dahil sa kakulangan ng pondo.

Ayon kay Supt. Rodrigo de Gracia, San Juan police chief na napilitan silang itigil ang programa na nagbibihis sa mga police officers bilang Santa Claus at Robocop outfits para mabantayan ang mga business establishment at busy streets makaraang malugi sila ng may P36,000 sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

Bagamat hindi malinaw na nadarama ang resulta ng naturang programa na inilunsad ng nakapiit ngayong dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada, ito naman umano ay nakapagpalakas sa police community relations.

Imbes na Santa Cop at Robocop, makikita ngayon ng mga mamamayan sa San Juan ang mga unipormadong pulis na nagpapatrulya sa mga shopping centers, malls at busy streets. (Ulat ni Non Alquitran)

AYON

BAGAMAT

GRACIA

IMBES

NON ALQUITRAN

ROBOCOP

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANTA CLAUS

SANTA COP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with