^

Bansa

Jinggoy inatake sa puso

-
Isinugod kahapon sa Makati Medical Center si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada matapos umanong dumanas ng atake sa puso sa Veterans Memorial Medical Center.

Ayon sa report, biglang kinapos sa paghinga at dumanas ng matinding paninikip ng dibdib si Jinggoy, 38, dahilan para itawag ng kanyang cardiologist na si Dr. Lorenzo Jocson sa Sandiganbayan ang tungkol sa kalagayan ng dating alkalde.

Agad namang pinahintulutan ng Sandiganbayan ang paglilipat kay Jinggoy sa MMC.

Ayon kay Sandiganbayan Sheriff Edgardo Urieta, pumayag ang mga mahistrado ng Sandiganbayan na ilipat si Jinggoy dahil isang emergency ang sitwasyon.

Kagyat ding sumugod sa MMC si Senador Loi Estrada para daluhan ang kanyang anak. Hindi pa mabatid ang kasalukuyang kalagayan nito.

Si Jinggoy, kasama ng kanyang amang si dating Pangulong Estrada ay kapwa nakadetine sa VMMC habang nililitis sa kasong plunder.

Kung matatandaan nitong nakaraang Hulyo ay sinabi ng mga doktor ni Jinggoy na dapat itong manatili sa ospital dahil sa hypertension at paninikip ng dibdib. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DR. LORENZO JOCSON

JINGGOY

MAKATI MEDICAL CENTER

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN SHERIFF EDGARDO URIETA

SENADOR LOI ESTRADA

SI JINGGOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with