^

Bansa

Gov't employee may karapatang nang mag-strike

-
Tulad ng mga pribadong manggagawa, maaari na ring mag-aklas ang mga kawani ng pamahalaan kung ang kanilang ipoprotesta ay tungkol sa iresponsableng pamamalakad ng ahensiyang kanilang pinaglilingkuran.

Ito ang ginarantiyahan kahapon ng House Civil Service committee na pinamumunuan ni Bohol Rep. Eladio Jala matapos aprubahan ng komite ang panukalang Civil Service Code.

Nakapaloob sa nasabing panukala na payagan ang lahat ng government employees na magsagawa ng "peaceful concerted activities" kabilang na ang karapatang mag-strike bilang last resort na naayon sa batas.

Sinuportahan naman ni Samar Rep. Antonio Eduardo Nachura ang panukalang magbigay ng kaparatang mag-strike sa public sector employees kung ang strike ay hindi dahil sa kahilingang pagtaas ng economic benefits, kundi sa kaso lamang ng mismanagement, kabiguan ng management na ibigay ang mga benepisyo na itinakda ng batas o oppressive management practices.

Ipinaliwanag ni Nachura na matibay ang desisyon ng Korte Suprema na hindi maaaring hilingin ng mga empleyado ng gobyerno sa kanilang mga agency managers na dagdagan ang kanilang benepisyo dahil ang bagay na ito ay hindi saklaw ng kapangyarihan ng manager. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

ANTONIO EDUARDO NACHURA

BOHOL REP

CIVIL SERVICE CODE

ELADIO JALA

HOUSE CIVIL SERVICE

IPINALIWANAG

KORTE SUPREMA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

SAMAR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with