Background check sa pagkatao ni Rod Strunk, isasagawa
November 21, 2001 | 12:00am
Nakatakdang magsagawa ng "background check" ang PNP-Task Force Marsha sa Estados Unidos para alamin ang tunay na pagkatao ni Rod Strunk. Makikipag-ugnayan ang mga lokal na imbestigador sa ilang eksperto sa imbestigasyon upang bulatlatin ang tunay na pagkatao ng dating singer-actor at kung ano ang naging pamumuhay nito nang nasa US pa.
Ito ay kasunod na rin ng mga naglabasang impormasyon sa e-mail na nakarating sa Task Force Marsha kaugnay ng pagkamatay ng unang asawa ni Strunk sa Amerika na kahalintulad din ng kamatayang sinapit ni Nida Blanca.
Hindi naman idinetalye ng source kung paano namatay ang unang asawa ni Strunk na di binanggit ang pangalan sa Los Angeles at kung ano ang nangyari sa umanoy kaso ng pagkamatay ng asawa bago pa man sila nagkatuluyan ng pinaslang na aktres.
Si Strunk ay unang nakilala ni Nida noong huling bahagi ng dekada 70 ng dumalaw sa bansa ang singer-actor. Naging guest ni Blanca si Strunk sa kanyang Nida and Nestor Show kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Kasintahan ni Blanca si Bert Leroy noong mga panahong yon. Taong 1979 ng muling magkita ang dalawa na kapwa malaya na sa kanilang mga "commitment" kaya agad silang nagpasyang magpakasal at nagsama sa loob ng 22 taon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am