Taliban leaders nabihag ng Northern Alliance
November 17, 2001 | 12:00am
Nadakip ng mga puwersa ng Northern Alliance opposition ang mga nakatatandang lider ng Taliban movement pero hindi naman nilinaw kung sino at saan nahuli ang mga ito.
Wala sa mga nahuli ang Saudi-born fugitive na si Osama bin Laden at Taliban leader na si Mullah Mohammad Omar.
Naniniwala naman ang Pentagon na makakakuha sila ng impormasyon kung saan nagtatago ang dalawa.
Sumisikip na umano ang mundo ni bin Laden matapos na mabawi ng Northern Alliance ang sentro ng Kabul. Dalawang siyudad na lamang ang kontrolado ng Taliban.
Gayunman, inamin ni Taliban spokesman Mullah Abdullah na mahihirapan silang mahuli si bin Laden dahil mas nanaisin nitong mamatay kaysa makuha ng America.
"America can never arrest Osama bin Laden alive. Osama has already decided that death will be preferable to being arrested by America," wika ni Abdullah.
Sa kabila ng mga apela ng bansang Islam, itutuloy ng US ang pagbomba sa Afghanistan kahit pa Ramadan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended