^

Bansa

3 taon extension kay Mendoza bilang PNP chief

-
Kinukonsidera ni Pangulong Arroyo na bigyan pa ng 3-taong extension si P/Gen. Leandro Mendoza bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) bago ito magretiro sa Marso ng susunod na taon, taliwas sa nauna niyang pahayag na si PNP Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane ang itatalaga bilang hepe ng PNP sa pagreretiro ni Mendoza.

Sinabi ito ng Pangulo sa isang eksklusibong panayam ng PSN kahapon.

"Hindi naman nangangahulugang awtomatikong uupo si Ebdane sa Marso dahil puwede kong i-extend ng 3 taon pa si Mendoza," anang Pangulo.

Ang pangalan ni Ebdane ay lumutang matapos umugong ang balita na si C/Supt. Reynaldo Berroya ang magte-takeover bilang PNP head.

At para umano matigil na ang agawan sa pamunuan ng PNP ay ibinunyag ng Pangulo na si Ebdane ang susunod na hepe ng PNP.

"Ang susunod na PNP chief is General Ebdane at alam naman ni General Berroya yon. I’m sure General Berroya never said he will be the next one, may nang-iintriga lang sa kanya," naunang naging pahayag ng Pangulo. (Ulat ni Al Pedroche- Editor-in-chief)

vuukle comment

AL PEDROCHE

DEPUTY DIRECTOR GEN

EBDANE

GENERAL BERROYA

GENERAL EBDANE

HERMOGENES EBDANE

LEANDRO MENDOZA

MARSO

MENDOZA

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with