^

Bansa

COPA nanawagan na labanan ang narcopolitics

-
Mahigpit na nanawagan ang iba’t-ibang grupo sa pangunguna ng Council on Political Affairs (COPA) sa mga kinauukulan na tumulong at mahigpit na labanan ang suliranin kaugnay sa paglala ng illegal na droga sa bansa.

Sa kilos protestang isinagawa ng grupo ng COPA, sa harapan ng gusali ng Korte Suprema sa Padre Faura St., sa tabi ng Department of Justice (DOJ) kasama ang mga militanteng grupo, tinuligsa ng mga ito ang umano’y mga Narco Politico na ang ibig sabihin ay mga salot sa bayan.

Halaw ito sa "narcopolitics" na nangangahulugan ng paggamit ng kayamanang naipon mula sa drug pusher para sa mga negosyo at mga ibang gawain na nagpapayaman at nagpapalakas sa mga drug lord.

Napag-alaman kay Boy Saycon, convenor ng COPA, ang illegal na kayamanan ay ginagamit umano ng mga druglord sa pagbili ng mga huwes, mga kagawad ng pulisya at iba pang mga awtoridad sa pamahalaan o sa pribadong sektor. (Ulat ni Grace Amargo)

BOY SAYCON

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

HALAW

KORTE SUPREMA

MAHIGPIT

NARCO POLITICO

PADRE FAURA ST.

POLITICAL AFFAIRS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with