^

Bansa

Sec. Roco next target ng demolition job-Ping

-
Si Education Secretary Raul Roco ang susunod na target ng demolition job ng kampo ni Col. Victor Corpus, ito ang nabatid ni Sen. Panfilo Lacson mula sa ilan niyang mga kaibigang may mga koneksyon sa grupo ng ISAFP chief.

Kasalukuyan na umanong niluluto ng husto at nag-iipon na ng mga paninira ang grupo ni Corpus upang ilunsad naman ang smear campaign laban kay Roco na itinuturing na isang banta na makakalaban ni Pangulong Arroyo sa pagsapit ng 2004 presidential elections.

Batid anya niyang nakaabot na ang impormasyong ito kay Roco kung kayat naghahanda na rin ito sa posibleng buwelta sa kanya ng grupo ni Corpus na pinasimulan na ni Angelo Mawanay, alias Ador na nasa pangangalaga ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines.

Una na nitong inihayag ang mga paninira kay Roco at maging kina Senators Loren Legarda, Noli de Castro at Vicente Sotto III na pawang mga posibleng tumakbong pangulo sa 2004 na batid nilang malakas na kalaban.

Sinabi ni Lacson na hindi na siya magtataka kung ngayon pa lamang ay pinasisimulan na ng grupo ni Corpus ang demolition job upang sa gayon ay magkaroon ng sapat na panahon ang kanilang grupo na wasakin ang posibleng makalaban ni Pangulong Arroyo sa 2004.

Malaki ang paniniwala ni Lacson na ang nagpapakilos kay Corpus at sa mga alalay nito ay si dating Pangulong Ramos lalo na ang Lacson Resign Movement na pawang mga kaalyado nito ang siyang nasa likuran.

Tinukoy ng mambabatas ang paglutang nina dating Intelligence chief Brigadier Gen. Benjamin Libarnes, Lt. Gen. Alfredo Filler, dating AFP chief of staff Gen. Lisandro Abadia at dating National Security adviser Jose Almonte na pawang mga retiradong heneral.

‘‘Obvious ba kung sabihin ko pa sa inyong si Ramos ang lahat ng nasa likuran ng pagkilos na ito. Eh puro tao niya ito at batid ito ng publiko na nasa kay Ramos ang loyalty nito,’’ pagbibigay diin ni Lacson.

Hindi dapat na ikabigla anya ng publiko kung matuloy ang balaking ito dahil sa ito na ang nakalatag na plano upang matiyak lamang ang pananatili nila sa kapangyarihan. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ALFREDO FILLER

ANGELO MAWANAY

BENJAMIN LIBARNES

BRIGADIER GEN

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

LACSON

PANGULONG ARROYO

ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with