^

Bansa

P20-M libel suit vs Corpus isinampa na ni Erap

-
Tinuluyan na ring kasuhan ni dating Pangulong Joseph Estrada at asawa nitong si Senador Loi Estrada si Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines chief, Col. Victor Corpus at ang pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI) ng P20 milyong libelo sa Pasig City Prosecutor’s Office, kahapon ng umaga.

Sa kabila ng mga unang pahayag na si Estrada mismo ang personal na magsasampa ng kaso, tanging ang kanilang abogadong si Atty. Cleofe Villar-Verzola lamang ang lumitaw at nagsumite ng mga kaukulang dokumento.

Bukod kay Corpus, kinasuhan din ng mag-asawang Estrada sina PDI publisher Isagani Yambot; Jose Ma. Nolasco, managing editor; Letty Jimenez-Magsanoc, editor-in-chief; at mga reporter na sina Carlito Pablo at Christine Herrera.

Sa ulat ng PDI buhat sa pahayag ni Corpus noong Agosto 5, sinabi nito na iligal na nagkamal ng may US$1 bilyon ang mag-asang Estrada at sina Senador Panfilo "Ping" Lacson at asawa nitong si Alice dahil sa pagkakasangkot sa iligal na mga aktibidades tulad ng money laundering, drug-trafficking at kidnapping.

Inilathala rin ng PDI ang mga umano’y bank accounts nil a ng Citibank at Bank of America sa mga bansang Estados Unidos, Hong Kong at Canada na sinabi ni Corpus na mga "authentic" umano.

Bukod dito, sinabi rin ni Corpus sa naturang ulat na meron pang isang bank account si Senador Loi Estrada sa Hong Kong na nagkakahalaga ng US$180 milyon.

Sinabi naman ni Verzola na matigas ang pagtanggi ng kanyang mga kliyente na wala silang anumang bank accounts sa mga naiulat.

Hindi umano nagsagawa ng pagtse-check sa mga nilalaman ng ulat ni Corpus ang PDI at hindi rin kinuhanan ng panig nina Estrada bago ilathala ang ulat upang mapatunayan ang "objectivity" nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BANK OF AMERICA

BUKOD

CARLITO PABLO

CHRISTINE HERRERA

CLEOFE VILLAR-VERZOLA

DANILO GARCIA

ESTADOS UNIDOS

HONG KONG

SENADOR LOI ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with