^

Bansa

Rosebud may video kasiping si Campos

-
Ibinunyag kahapon ni PAOCTF civilian agent Mary "Rosebud" Ong na naka-relasyon niya at nakasiping pa nga sa kama si PNP Narcotics Command Division Chief, Supt. John Campos.

Ang paglilinaw ay matapos sabihin ni Campos na kahit kailan ay wala silang naging ugnayan at hindi sila magkakilala ni Rosebud.

Para mapatunayan ang kanyang pakikipag-relasyon kay Campos, handa umano si Ong na ilabas ang isang "video tape" na nagpapakita na silang dalawa ni Campos ay nakahiga at magkasama sa pagtulog sa iisang kama.

Hindi naman umano mahalay ang naturang tape kaya maaari itong maipakita at upang mapatunayan lamang ang kanyang sinasabi na siya ay naka-relasyon ni Campos.

Sinasabing si Campos ay isa sa tapat na tauhan ni Region 4 Director Reynaldo Acop nang ang huli ay hepe pa ng Narcotics Command ng PNP. Sina Acop, Campos at iba pang opisyal ng PNP kasama na si dating PNP Chief Panfilo Lacson, ang mga matataas na opisyal sa PNP na may kinalaman umano sa paglaganap ng ipinagbabawal na shabu sa bansa.

Ang mga pahayag na ito ni Ong ay ginawa upang linawin lamang ang mga balitang siya ay naging isa sa mga instrumento nina Lacson, Acop at Campos sa illegal drug trade sa bansa.

Unang nilinaw ni Ong na lumabas siya sa lungga para kalabanin na ang mga dating kaalyado sa modus operandi dahil nalaman niyang isa na siya sa hanay ng mga taong nasa "termination list" ng naturang sindikato dahil sa dami ng nalalaman niya sa ilegal na gawain.

Hiniling naman nito sa kanyang mga kalaban na huwag buweltahan ang kanyang mga anak at sila na lamang ang maglaban.

Nais din umano ni Ong na matigil na ang matinding paglaganap ng ilegal na droga sa bansa, isang dahilan din ng kanyang paglitaw dahil baka pagdating ng araw ay anak naman niya ang mabiktima ng sindikato. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CAMPOS

CHIEF PANFILO LACSON

DIRECTOR REYNALDO ACOP

JOHN CAMPOS

NARCOTICS COMMAND

NARCOTICS COMMAND DIVISION CHIEF

ONG

SINA ACOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with