^

Bansa

Ombudsman probe kay Mike ituloy - GMA

-
Iginiit kahapon ni Pangulong Arroyo na kailangan pa ring ipaimbestiga sa Ombudsman ang isyu ng pagkakadawit ng First Gentleman sa multi-milyong pisong telecommunication franchise deal kahit pa inabsuwelto na ang kanyang kabiyak ng kanyang dating correspondence secretary na si Veronica "Bing" Rodrigo at dating Transportation and Communication consultant Malou Nuñez.

Sinabi ng Presidente na pinatawad na niya ang kanyang kaibigang si Rodrigo sa pagkakabanggit nitong kaya siya nagbitiw bilang correspondence secretary ay dahil sa anomalya sa telecom franchise na umano’y nagdadawit kay Mr. Arroyo.

Nagpasalamat din ang Pangulo kay Malou Nuñez sa ginawa niyang paglilinaw sa isyu subalit kailangan pa ring ituloy ang pagsisiyasat sa kontrobersya sa Ombudsman.

Si Nuñez ang siyang itinuro ni Rodrigo na umano’y nagsabi sa kanya na mayroong payola sa telecom franchise na umano’y kinasasangkutan ng First Gentleman.

Inamin ni Nuñez na kung mayroon man siyang nabanggit na impormasyon hinggil sa lobby at payola sa kanyang kaibigang si Bing ay base lang ito sa mga natatanggap niyang text messages.

Naghayag din ng pagkadismaya si Nuñez kay Bing dahil hindi naman umano tama na magtuturo ito ng kahit na sino sa pumutok na kontrobersiya.

Samantala, walang balak ang Senado na imbestigahan ang Presidential Husband dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya na nagsasangkot dito sa naturang telecom anomaly.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, tutol siyang maging venue para sa witch hunting ang Senate Blue Ribbon committee. (Ulat nina Lilia Tolentino at Rudy Andal)

vuukle comment

FIRST GENTLEMAN

LILIA TOLENTINO

MALOU NU

MR. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL HUSBAND

RODRIGO

RUDY ANDAL

SENATE BLUE RIBBON

SI NU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with