^

Bansa

Army general na nagpatakas sa Sayyaf sisiyasatin

-
Nakatakdang isalang sa imbestigasyon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang heneral ng Philippine Army na inakusahan ni Fr. Cirilo Nacorda na nasa likod ng pag-uutos para paatrasin ang tropa ng mga sundalo sa bayan ng Lamitan upang makatakas ang mga bandidong Abu Sayyaf mahigit isang buwan na ang nakakalipas.

Sinabi ng AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na mabigat ang akusasyon na binitiwan ni Fr. Nacorda, kaya’t kakausapin nila ito ng masinsinan upang malaman kung may basehan ang mga paratang nito at kung sinong Army Colonel ang nagsabi sa kanya na nagbunsod para ibulgar ang kapalpakan umano ng heneral.

Ayon pa kay Adan, kailangan rin nilang matiyak kung walang bahid na pulitika ang biglang paglalantad at pagbubulgar ni Fr. Nacorda.

Batay sa akusasyon ni Fr. Nacorda, isang army general umano ang nag-utos sa sinibak na si Col. Juvenal Narcise,dating Commander ng 103rd Brigade sa Basilan na paatrasin ang nakapalibot na tropa ng sundalo sa Jose Torres Memorial Hospital kung kaya’t nakatakas ang nakorner na grupo nina Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani at Spokesman na si Aldam Tiglao alyas Abu Sabaya.

Hindi man direktang tinukoy ay nahagip ng pasaring ng pari si Brig. Gen. Romeo Dominguez, dating Commander General ng Army’s 1st Infantry Battalion at dating chief ng Joint Task Force Comet na naatasang dumurog sa mga bandido at magliligtas sa nalalabi pang mga bihag.

Si Dominguez ay natanggal sa posisyon at inilipat ng destino bilang Commanding General ng 8th Infantry Division sa Visayas Region.

Subalit sinabi ni Adan na hindi sila basta maniniwala na sangkot ang mga senior officers ng AFP sa ganitong klaseng kontrobersiya dahil kung tutuusin ang mga ito ang nagsasakripisyo ng buhay sa paglaban sa mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ADAN

ALDAM TIGLAO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY COLONEL

CIRILO NACORDA

COMMANDER GENERAL

NACORDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with