First Gentleman isinabit ng kaibigan ng Pangulo sa isyu ng suhulan
July 21, 2001 | 12:00am
Kinampihan ni Pangulong Arroyo ang kanyang asawang si First Gentleman Mike Arroyo kaugnay ng alegasyon ng kanyang matalik na kaibigan sa umanoy suhulan.
Ayon sa Pangulo, malabong tumanggap ng salapi ang kanyang asawa dahil wala naman itong ipinakiusap o ginawang pagla-lobby.
Ito ay matapos na akusahan ni Presidential friend Bing Rodrigo na kumita umano ang First Gentleman matapos mag-lobby para bawiin ng Pangulo ang pag-veto sa inaprubahang franchise application ng isang kumpanya ni Jaime Dichavez na naging kontrobersiyal at umako sa Jose Velarde account sa impeachment trial.
Inamin ng Pangulo na nagbitiw si Rodrigo sa kanyang puwesto bilang correspondence secretary sa Malacañang pero sa personal na rason.
Si Rodrigo ay kababata at classmate mula elementary hanggang high school ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended