^

Bansa

JDV problemado agad kung magiging Speaker

-
Kompiyansa si Pangasinan Rep. Jose De Venecia Jr., na mananalo bilang Speaker of the House matapos na makakuha ng maraming suporta sa ibat-ibang partido.

Subalit problemado agad ito dahil hindi niya alam kung paano hahatiin ang limitadong komite at ilang posisyon sa House of Representatives.

Isang halimbawa na rito ang oposisyong Nationalist People’s Coalition (NPC) na nagbigay ng suporta kay JDV at humihingi umano ng 15 komite kabilang na dito ang makapangyarihang appropriations committee na ang trabaho ay magbigay ng budget proposal sa Malacañang.

Pero ayaw pumayag ng Lakas na ibigay ang nasabing komite sa NPC na itinatag ng negosyanteng si Eduardo Cojuangco Jr. (Ulat ni Jess Diaz)

EDUARDO COJUANGCO JR.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ISANG

JESS DIAZ

JOSE DE VENECIA JR.

KOMPIYANSA

LAKAS

NATIONALIST PEOPLE

PANGASINAN REP

SPEAKER OF THE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with