2 pang bihag pinugutan ng Sayyaf
June 24, 2001 | 12:00am
Dahilan sa wala umanong pambayad ng ransom, pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf ang dalawang lalaking bihag na ang sariwa pang pugot na mga bangkay ay narekober sa Isabela, Basilan kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga bangkay ng dalawang bihag na sina Primitivo Falcasantos, chief security guard ng Golden Harvest Farm sa Lantawan, Basilan at ang trabahador na si Crisanto Suelo.
Ang mga biktima ay positibong kinilala ng mga kamag-anak ng mga ito base na rin sa ilang palatandaan sa kanilang katawan at sa suot na mga damit nang huli silang makitang buhay matapos i-hostage ng umatakeng grupo ng Abu Sayyaf sa plantasyon ng niyog sa bayan ng Lamitan.
Sina Falcasantos at Suelo ay kabilang sa 15-kataong tinangay sa pagtakas mula sa orihinal na 50-kataong hinostage ng mga bandido na lumusob sa Golden Harvest Farm sa bayan ng Lantawan noong nakalipas na Hunyo 11.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas-9 ng umaga ng aksidenteng matagpuan ng nagsisipaglarong mga bata ang nilalangaw na pugot na mga bangkay na itinapon sa may talahiban sa Bgy. Menti may limang metro ang layo sa Isabela.
Bago natagpuan ang mga bangkay ay nagkaroon ng pagsabog kamakalawa ng gabi sa Bgy. Menti kung saan ay ipinalalagay na naganap ang pagpugot sa ulo ng dalawang bihag.
Hinihinala ng mga awtoridad na pinugutan ang dalawa dahilan sa walang pang-ransom ang mga ito matapos na ilan na ring mahihirap na hostages ang napugutan dahil walang pantubos ang kanilang mga pamilya.
Nakasulat sa suot na mga t-shirt nina Falcasantos at Suelo ang salitang "Nandito sa Basilan si Kumander Robot na mamumugot ng ulo" habang nakasulat naman sa isang papel na inilagay malapit sa mga labi ng biktima ang mga katagang "Utos ni Gov. Akbar" na pinaniniwalaan namang black propaganda lamang ng mga bandido.
Magugunita na nito lamang nakalipas na Huwebes ay tatlong nagsisimula nang maagnas na pugot na bangkay ng di pa matukoty kung sa mga hostages o sundalo ang natagpuan ng mga civilian assets sa Bgy. Cadayan, Tuburan, Basilan.
Kasalukuyang isinasailalim sa awtopsiya ang mga bangkay. (Ulat nina Rose Tamayo at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended