^

Bansa

Lahat ng bihag totodasin - Abu

-
Mass killing sa 20 bihag!

Ito ang banta kahapon ng mga bandidong Abu Sayyaf bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Arroyo na pauulanan ng bala ang mga bandido sa sandaling hindi palayain ang mga bihag.

Ayon kay Abu Sayyaf spokesman Abu Asmad Salayuddi alyas Abu Sabaya sa panayam sa local radio dxRZ ng Radio Mindanao Network, handa sila sa mass suicide at hindi mangingiming pumatay ng mga hostage sakaling makorner sa ilulunsad na opensiba ng military.

Ang pahayag ay makaraang ipakalat na ng Armed Forces of the Philippines ang ilang batalyon ng Army, Navy at special forces ng Marines para muling galugarin ang mga pinaghihinalaang pinagtataguang lugar ng bandido sa Basilan at Sulu.

Inamin ni Sabaya na nararamdaman na nila ang pressure, pero kapag ginipit umano sila nang husto ay maglulunsad sila ng mass killing.

Matatandaan na ilang ulit nang nagbanta at tinotoo ng mga Abu Sayyaf ang kanilang pagpatay sa mga bihag nito, kabilang ang paring si Fr. Roel Gallardo at lima pang kasamang guro.

Samantala, minomonitor pa rin ang mga lugar sa Sulu at Basilan na maaaring pagkublihan ng mga bandido. May ulat na namataan ang mga ito kasama ang mga bihag sa bayan ng Panglima Estino sa Sulu, pero ng beripikahin ng ground military intelligence ay negatibo ang resulta.
News blackout
Sa Malakanyang, agad nagpatupad ng news blackout sa isinasagawang operasyon ng AFP at PNP.

Sa ginanap na regular media conference, hiningi ng Pangulo sa mga mamamahayag na makipagtulungan sa pamahalaan at huwag nang magpilit na magpunta sa lugar na pinagkukutaan ng Abu Sayyaf para makaiwas na makaragdag pa sa kasalukuyang problema gaya ng nangyari sa Sulu hostage crisis kung saan dalawang mamamahayag ang binihag ng ASG.

Saklaw ng news blackout ang pagbabawal sa mga himpilan ng radyo at telebisyon na kapanayamin ang mga opisyal at miyembro ng ASG.

Nakiusap ang Pangulo sa media na unawain kung gaano kaselan ang ginagawa ng military operation. "Mahalaga ang secrecy sa ganitong operasyon para masorpresa ang kalaban. Kung maaari ay iwasan muna ang mga lugar kung saan may ginagawang rescue operation ang military," pakiusap pa ng Pangulo.
P100-M bounty itataas
Handa rin ang Pangulo na dagdagan pa ang P100 million pabuya sa ikaaaresto ng mga ASG members at ligtas na paglaya ng mga bihag.

"Alam ko na ang pananaw ng Abu Sayyaf ay pera-pera lang. Gano’n pa man, wala silang maasahan sa ating pamahalaan. Walang ransom money na darating sa kanila at kung kinakailangan handa akong dagdagan ang P100 milyong gantimpala na aking ipinag-utos para sa utak ng Abu Sayyaf," wika ng Pangulo.

"Kaya sa mga Abu Sayyaf, mabuti pa pakawalan na lamang ninyo ang mga dinukot ni’yo habang may panahon pa. Kung hindi uulanin kayo ng mga bala," babala pa ng Pangulo. (Mga ulat nina Joy Cantos,Lilia Tolentino at Doris Franche)

ABU

ABU ASMAD SALAYUDDI

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASILAN

DORIS FRANCHE

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with