^

Bansa

Malacañang nambabraso?

-
Nagpahayag kahapon ng labis na pagkabahala ang Puwersa ng Masa-Laban ng Demokratikong Pilipino coalition hinggil sa mga ulat na may matataas na opisyal ng Malakanyang ang nambabraso umano sa mga governor, mayor at iba pang local government executives para baguhin ang tally sa kani-kanilang constituencies sa kanilang desperadong pagsisikap na mabago ang resulta para mabaligtad ang malinaw na lamang ng oposisyon sa isinasagawang halalan para sa pagkasenador.

Bukod sa pambabrasong ito, binatikos din ng PnM ang sunud-sunod na brownouts sa maraming lugar na kilalang balwarte ng oposisyon kamakalawa at ang naunang pagtatangka ng mga umano’y kakutsaba ng Malakanyang na suhulan ng P200,000 ang mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng community project kapalit ng 13-0 win pabor sa PPC.

Nagduda rin ang PnM sa ginagawang quick-count ng AMA Computer College kasama ang ibang media organizations na ayon dito, pumapabor sa PPC candidates at inirekomenda nito na imbestigahan ang nasabing "partisan leanings" ng AMA. Nabatid na may business interest dito si ex-PNP chief Roberto Lastimoso na maaaring maimpluwensiyahan ang quick count at maapektuhan ang posisyon ni PnM candidate Panfilo Lacson sa ranking nito. "Ang lahat ng ito ay malinaw na bahagi ng plano ng administrasyon na agawin sa oposisyon at sa mamamayang Pilipino ang kanilang panalo sa halalan ngayong taon," pahayag ni PnM spokesman Crispin Remulla.

BUKOD

COMPUTER COLLEGE

CRISPIN REMULLA

DEMOKRATIKONG PILIPINO

MALAKANYANG

MASA-LABAN

NABATID

NAGDUDA

PANFILO LACSON

ROBERTO LASTIMOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with