^

Bansa

Assasination team target ang pamilya Arroyo

-
Kinumpirma kahapon ni Pangulong Arroyo na mayroon ngang banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang anak na si Mikey na kandidatong bise gobernador ng Pampanga.

Sa isang radio interview, sinabi ng Pangulo na may tinanggap siyang intelligence report na mayroong isang nine-man liquidation squad ang magsasagawa ng pagpaslang sa kanyang pamilya.

"Detalyado ang intelligence report. Ang sabi ko kay Mikey, ikaw ay target for abduction and assassination. Kinonfirm niya na nakatanggap din pala siya ng threat kasi, the day before nakatanggap siya ng sobre na may 5 live bullets," pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na base sa intelligence report ang balak daw ng may pakana ng planong ito ay sa pagitan ng Abril 29 at Mayo 2 isagawa kung hindi babalik (sa puwesto) si dating pangulong Estrada.

Ang liquidation squad ay nakabase umano sa lalawigan ng Pampanga. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ABRIL

DETALYADO

KINONFIRM

KINUMPIRMA

LILIA TOLENTINO

MIKEY

PAMPANGA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with