^

Bansa

Suspension ni Miriam kinatigan ng Korte Suprema

-
Kinatigan kahapon ng Supreme Court ang 90 araw na suspension na ipinataw ng Sandiganbayan kay Senador Miriam Defensor-Santiago noong Enero 1996 kaugnay ng kinaharap niya rito na kasong graft and corruption na may kinalaman sa naturalization ng mga iligal na dayuhan noong isa pa siyang komisyoner ng Bureau of Immigration and Deportation.

Idiniin ng Supreme Court na, bagaman may hiwalay na kapangyarihan ang hudikatura at lehislatura, saklaw pa rin ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) ang mga miyembro ng Senate at ng House of Representatives.

Isa nang senador si Santiago nang ipalabas ng Sandiganbayan ang suspension order pero isinaintabi lang ito at hindi ipinatupad ng noon ay presidente ng Senado na si Ernesto Maceda.

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Santiago sa naturang kaso noong Disyembre 1999 pero kinatigan ng Mataas na Hukuman ang legalidad ng suspension na ipinataw sa kanya ni Presiding Justice Francis Garchitorena. (Ulat ni Delon Porcalla)

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

DELON PORCALLA

DISYEMBRE

ERNESTO MACEDA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PRESIDING JUSTICE FRANCIS GARCHITORENA

REPUBLIC ACT

SANDIGANBAYAN

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->