^

Bansa

Bangayan sa Comelec tumitindi

-
Lumalalim ang bangayan ng mga appointees nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Joseph Estrada sa Commission on Elections na nagkaroon pa ng hamunan na dalhin ang usapin sa Korte Suprema.

Kasabay nito, inamin ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo na marami sa kanilang trabaho ang nabibimbin dahil madalas na walang quorum sa mga pulong ng komisyon na dulot din ng naturang iringan.

Pawang mga Estrada appointee ang mga komisyuner ng Comelec na sina Rufino Javier, Ralph Lantion at Luzviminda Tancangco samantalang si Arroyo naman ang nagtalaga kina Benipayo, Commissioners Resureccion Borra at Florentino Tuazon.

Naunang nagbanta si Tancangco na kukuwestyunin niya sa Supreme Court ang legalidad ng kautusan ni Benipayo na italaga sa printing committee ng Comelec sina Tuazon, Borra at Director Estrella de Mesa.

Sinabi naman ni Benipayo sa isang pulong-balitaan kahapon na haharapin niya si Tancangco sa korte. Iginiit niya na ginagamit lang niya ang kanyang administrative power.

Ipinahiwatig ni Benipayo na hindi niya nagugustuhan ang pamamalakad ni Tancangco sa naturang komite kaya kailangang magpadala siya rito ng kanyang kinatawan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BENIPAYO

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMMISSIONERS RESURECCION BORRA

DIRECTOR ESTRELLA

FLORENTINO TUAZON

JHAY MEJIAS

KORTE SUPREMA

LUZVIMINDA TANCANGCO

TANCANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with