ISAFP chief pinagbibitiw
April 4, 2001 | 12:00am
Nanawagan kahapon si Senador John Osmeña kay Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Col. Victor Corpuz na magbitiw sa tungkulin dahil sa umanoy panunuhol nito ng P5 milyon kay Senior Inspector Medel Pone para manira at mag-imbento ng mga akusasyon laban kay dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson na tumatakbong senador.
Sinabi ni Osmena na hindi na dapat patagalin sa serbisyo si Corpuz dahil sa laking kasiraang idinudulot nito sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Hinamon naman ni People Power Coalition senatorial candidate Ernesto Herrera si Lacson na sagutin at pasinungalingan ang kabi-kabilang paratang laban dito.
Sinabi ni Herrera na dapat lang sagutin ni Lacson ang mga akusasyon at wala itong karapatan na alamin ang mga nasa likod nito.
Kabilang sa mga ibinabato kay Lacson ang pagkakadawit umano niya sa pagkamatay ng publicist na si Salvador Dacer at sa Kuratong rubout case.
Pero sinabi ni Herrera na dapat magpaliwanag si Lacson sa legal na paraan at huwag gamitin ang media. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest