Corpuz, Rose Bud sabit sa demolition job vs Lacson
April 3, 2001 | 12:00am
Isang tauhan ng Philippine National Police na si Senior Inspector Medel Pone ang nagsampa kahapon sa Ombudsman ng mga kasong grave threat, coercion, misuse of public funds at graft and corruption laban kina Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines Chief Col. Victor Corpuz at dating Presidential Anti-Crime Commission secret agent Mary Rose Ong alyas Rose Bud.
Sa isang pulong-balitaan sa Ciudad Fernandina, inireklamo ni Pone na nagsabwatan umano sina Corpuz at Ong para takutin siya at pilitin siyang makisama sa kampanya ng paninira o demolition job laban kay dating PNP Chief Panfilo Lacson na kasalukuyang kumakandidatong senador.
Pinabulaanan naman ni Corpuz ang naturang akusasyon kasabay ng pagsasabing binabaligtad siya ni Pone makaraang masangkot ito sa pagkatay at pagsunog umano sa ilang biktima ng kidnap-for-ransom group. (Ulat ni Joy Cantos at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended