50, 000 bagong guro kailangan
March 31, 2001 | 12:00am
Kailangan ng pamahalaan na kumuha ng 49,952 bagong guro para sa mga pampublikong paaralan sa bansa para maibsan ang kakulangan ng mga guro para sa mga estudyante sa elementary at high school sa darating na pasukan.
Ito ang inihayag kahapon ni dating Speaker Manuel Villar pero binanggit niya na, sa nabanggit na bilang, 4,872 guro lang ang kayang tanggapin at pasuwelduhin ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng pondo. Bunga nito, kukulangin pa ng 45,080 guro ang mga paaralang pampubliko.
Dapat bigyang prayoridad sa pambansang budget ang sektor ng edukasyon at bigyan ng naaayong tax exemption ang sahod ng mga guro, ayon pa kay Villar na kandidatong senador ng administrasyon. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended