^

Bansa

US$13-B iwi-'withdraw' ni Irene Marcos-Araneta

-
Tiniyak kahapon ng Malacañang na ipagpapatuloy ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paghabol at pagbawi sa ill-gotten wealth ng pamilya ni dating Pangulong Ferdi- nand E. Marcos.

Ginawa ni Executive Secretary Renato de Villa ang paniniyak sa isang panayam sa radyo dahil sa napaulat na pagtatangka umano ng anak ni Marcos na si Irene Araneta at asawa nitong si Gregorio na i-withdraw ang $13.2 bilyong account nito sa Union Bank of Switzerland para mailipat ito sa Deutsche Bank ng Germany.

Gayunman, tumanggi si De Villa na magbigay ng ibang detalye maliban sa pagkumpirma na sinisikap ng pamahalaan na mapigilan ang umano’y pagtangka ng mag-asawang Araneta na ilipat sa ibang banko ang naturang kayamanan.

Iminungkahi naman ni Partylist Rep. Etta Rosales (Akbayan) sa pamahalaan na imbestigahan ang naturang ulat at magpadala agad ng kinatawan sa Germany para mapigilan ang mga Marcos na mailabas ang salapi.

Dapat anyang kasuhan ng perjury ang mga Marcos kapag napatunayang totoo ang ulat. (Ulat nina Marichu Villanueva at Marilou Rongalerios)

DE VILLA

DEUTSCHE BANK

ETTA ROSALES

EXECUTIVE SECRETARY RENATO

IRENE ARANETA

MARICHU VILLANUEVA

MARILOU RONGALERIOS

PANGULONG FERDI

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PARTYLIST REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with