^

Bansa

Mark Jimenez tetestigo vs Estrada?

-
Tetestigo umano ang negosyanteng si Mark Jimenez sa kasong graft and corruption laban sa kaibigan niyang si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang nabatid sa isang mapapanaligang impormante na nagsabing nakipagkita umano si Jimenez sa mga opisyal ng Department of Justice noong Biyernes at pumayag na isiwalat ang nalalaman niya hinggil sa napatalsik na dating Pangulo.

Sinabi pa ng impormante na pumayag magsalita si Jimenez nang magbanta ang DOJ na magsasampa ito ng kasong plunder laban sa kanya.

Ipinalalagay naman ng ilang opisyal ng DOJ na ginawa ni Jimenez ang hakbang para maobliga siyang manatili sa Pilipinas bagaman wanted siya sa Amerika. (Ulat ni Liberty Dones)

AMERIKA

BIYERNES

DEPARTMENT OF JUSTICE

IPINALALAGAY

JIMENEZ

LIBERTY DONES

MARK JIMENEZ

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with