Estrada at kalaguyo may account sa Citibank
January 10, 2001 | 12:00am
Ipinakita kahapon ni Prosecutor Congressman Oscar Moreno ang ebidensiya na magpapatunay na hindi lamang si Unang Ginang Luisa Loi Ejercito ang may account sa Citibank kundi pati mismo si Pangulong Joseph Estrada at mga kalaguyo nito.
Sa pagtatanong ni Moreno kay Victor Lim, Vice President ng Citibank, sinabi nito na hindi nito masasabi kung magkano ang nakadeposito ng mga ito bunga na rin ng pinatutupad na Bank Secrecy Law.
Inamin din ni Lim na mayroong tsismis sa banking circle na mayroong isang Kevin Garcia na fictitious at mayroong accounts sa kanila na gumagamit ng ibang pangalan.
Agad namang pinabeberipika ni Senate President at Judge Aquilino Pimentel, Jr. ang accounts ni Garcia sa Citibank.
Sinabi rin ni Lim na nagdeposito din siya ng P8 milyon tseke mula kay Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson sa account ni Loi at P46 milyon check naman kay William Gatchalian kapwa sa Citibank.
Samantala pinayagan ni Presiding Officer Hilario Davide Jr. ang pagdinig sa testimonya nina Atty. Ruben Almadro at iba pa, kaugnay sa pagdinig ng ikatlong Article of Impeachment.
Una nang nagharap ng subpoena ang prosecution upang paharapin sina dating Philippine Stock Exchange (PSE) chairman Perfecto Yasay, Jr., Almadro; Mary Anne Corpuz, Secretary at dating PSE President Jose Luis Yulo. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest