^

Bansa

Screen name na Joseph Estrada kinuwestiyon

-
Pwedeng kasuhan at makulong si Pangulong Estrada kapag napatunayan na wala itong karapatan na gamitin ang kanyang screen name na Joseph Estrada sa pagpirma sa mga dokumento bilang Pangulong ng bansa.

Ito ang sinabi ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada na nagkuwestyon kung may legal authority ang Pangulo na gamitin ang kanyang screen name sa halip na Jose Marcelo Ejercito na tunay niyang pangalan.

Nakasaad anya sa seksyon 1 ng Commonwealth Act no. 142 na inisyu noong 1937 na maliban sa pseudonym para sa literary purposes walang taong puweding gumamit ng ibang pangalan o alyas kundi ang tunay nitong pangalan maliban sa pag-aruba ng korte.

Isinaad din sa seksyon 2 ng naturang batas na ang sinumang gagamit ng alyas ay kailangan munang mag-apply sa korte bago nito mabago ang pangalan at sinumang lalabag sa nasabing probisyon ay may kaparusahang pagkabilanggo mula isa hanggang anim na buwan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

APOLINARIO LOZADA

COMMONWEALTH ACT

ISINAAD

JOSE MARCELO EJERCITO

JOSEPH ESTRADA

MALOU RONGALERIOS

NAKASAAD

NEGROS OCCIDENTAL REP

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with