^

Bansa

4 Sri Lankan ipinatapon

-
Apat na Sri Lankans ang kaagad na ipinatapon ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang matuklasan na ang kanilang pagdalaw sa Pilipinas bilang mga turista ay kahina-hinala.

Kinilala nina BI Intelligence Officers Maximo So at Peter Tan ang apat na Sri Lankans na sina Subramanian Ragunathan, 27; Franci Theoginus Pathinathan, 27; Arulmani Jesuthsan, 21 at Shammuganhan Thayanantharajh, 20.

Ang apat ay dumating sa NAIA sakay ng Singapore Airlines flight SQ 072.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga Sri Lankans ay nakapila sa immigration lane sa arrival area na may kakaibang ikinikilos at tila mga balisa.

Nang sila ay tanungin kung ano ang pakay nila sa Pilipinas, sumagot ang isa sa mga ito na sila ay mga turista, ngunit wala naman silang maipakitang sapat na pera upang tustusan ang kanilang pamamalagi sa bansa.

Hinihinala ng mga awtoridad na gagawin lamang ng apat ang Pilipinas bilang ‘‘jump-off point’’ sa kanilang pagtungo sa Amerika.

Sinabi ni Danilo Almeda, BI Head Supervisor sa NAIA na ito ang ‘‘modus operandi’’ ng mga dayuhan tulad ng mga Pakistani, Bangladeshi, Indians at mga Intsik sa kanilang pagpunta sa Europa at Estados Unidos.

Agad ipinag-utos ni Almeda ang paglagay ng apat sa ‘‘exclusion order’’ at agarang pagpapatapon sa mga ito. (Ulat ni Butch M. Quejada)

vuukle comment

ARULMANI JESUTHSAN

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH M

DANILO ALMEDA

ESTADOS UNIDOS

FRANCI THEOGINUS PATHINATHAN

HEAD SUPERVISOR

PILIPINAS

SRI LANKANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with