^

Bansa

Metro Manila bobombahin ng MILF, Pamasko kay Erap

-
Tatlong grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nakatakda umanong maghasik ng pambobomba at pananabotahe ngayong Kapaskuhan sa mga shopping malls at establisimiyento sa Metro Manila, bilang Christmas gift umano kay Pangulong Estrada.

Sa nakuhang intelligence report ng Philippine National Police (PNP), ang MILF Special Operations Group ng 3rd Field Division, BIAF na pinangungunahan ni Saifula Moclis Eunos ang umano’y inatasan ni MILF chairman Hashim Salamat na magsagawa ng bombing operations sa mga malls at business establishments sa kalakhang Maynila. Ang grupo ni Eunos ay namataan na sa Greenhills kung saan sila ay may Muslim contact. Ang planong ito ay sinusuportahan umano ng hindi nakikilalang matataas na opisyal ng pamahalaan na nakabase sa Metro Manila.

Ang pangalawang grupo ay ang GHQ ng MILF na binubuo ng 10 katao sa pamumuno ni Rahro Tabunaway na magsasagawa naman ng kidnaping at holdap operations. Ang grupong ito, ayon pa sa report ay umalis ng Mindanao nitong unang linggo ng Disyembre at tumuloy sa Muslim community sa Quiapo, Maynila at Taguig.

Samantala, ang pangatlong grupo ay ang MILF mujahideens na ipinadala ng MILF Central Committee. Target nitong bombahin ang mga hotel, sinehan, gusali at mga sasakyang pampubliko. Binigyan umano ang grupong ito ng 30 araw para isagawa ang kanilang operasyon sa hatinggabi.

Kasabay nito ay nagpadala na ang PNP sa lahat ng district directors ng kautusan na gumawa ng counter measures upang pigilan ang naturang grupo na magsasamantala habang nakatuon ang pansin ng sambayanan sa impeachment trial kay Pangulong Estrada. (Ulat ni Wilfredo Suarez)

CENTRAL COMMITTEE

FIELD DIVISION

HASHIM SALAMAT

MAYNILA

METRO MANILA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with