^

Bansa

GMA etsapuwera na sa Caretaker Committee

-
Etsapuwera na si Vice President Gloria Macapagal Arroyo sa caretaker committee na pinamumunuan ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na siyang mangangasiwa sa pamahalaan sa loob ng dalawang araw na pagdalo ng Pangulong Joseph Estrada sa APEC meeting na gaganapin sa Brunei sa Nobyembre 15-16.

Tiniyak ni Zamora na tuloy ang pagpunta ng Pangulo sa pulong ng APEC para makasama ang mga pinuno ng ASEAN at mga lider ng mga bansa sa Pasipiko.

Ayon kay Zamora, dati-rati nakakasama si Macapagal Arroyo sa caretaker committee dahil itinatalaga siya ng Pangulong Estrada na umupo sa Office of the President-Executive Committee caretaker.

Pagkaraang tumiwalag na siya sa gabinete at nanindigan na siya bilang oposisyon at humihingi ng pagbibitiw sa puwesto ng Pangulo, nagbigay indikasyon si Zamora na hindi na ito makakaasang kasama pa sa caretaker group.

"Hindi naman siya member. She only sat with us," ani Zamora.

Ang Pangulong Estrada lamang ang siyang Presidenteng nagtatalaga ng kanyang Bise-Presidente na umupo sa caretaker committee kung nasa ibayong dagat ang Pangulo.

Ito ay nabigyang daan nang bumuo ng pakikipagkasundo ang oposisyong LAKAS-NUCD ng pakikipagtulungan sa administrasyong Estrada sa pag-uumpisa pa lamang ng panunungkulan noong 1998. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

ANG PANGULONG ESTRADA

EXECUTIVE SECRETARY RONALDO ZAMORA

LILIA A

MACAPAGAL ARROYO

OFFICE OF THE PRESIDENT-EXECUTIVE COMMITTEE

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

VICE PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with