^

Bansa

Solon na lumalagda sa impeachment dumarami

-
Sinabi kahapon ni House of Representatives minority leader Feliciano Belmonte na mas lalong dumami ang mga mambabatas na naghayag ng kahandaang lumagda sa resolusyon para mapatalsik sa puwesto si Pangulong Joseph Estrada sa pamamagitan ng impeachment.

"Meron na kaming mga sapat na pangalan. Nakakagulat na mga bilang na gugulat sa maraming tao," sabi pa ni Belmonte.

Kahapon, isang dating kaalyado ni Estrada na si Parañaque Congressman Roilo Golez ang nakilagda sa naturang resolusyon.

Takdang ihain bukas ng minority group ang impeachment resolution kasabay ng paghahain ng mga kongresistang kapartido ng Pangulo ng isang hiwalay na resolusyon na sumusuporta kay Estrada.

Sa kaugnay na pangyayari, hinamon ni Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa executive chairman ret. Commodore Domingo Calajate si Senador Gregorio Honasan na kumalas na sa maka-administrasyong Lapian ng Masang Pilipino at makilahok sa kilusan para patalsikin si Estrada sa puwesto.

Sinabi ni Calajate na dapat nang lisanin ni Honasan ang RAM kung hindi ito kakalas sa LAMP.

Ngayong tanghali, magpaparada ng maliliit na bangka na may mga dekorasyong mga istrimer at makukulay na lobo sa Manila Bay ang mga miyembro ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas para igiit ang pagbibitiw ni Estrada sa puwesto.

Nanawagan naman ang Alliance of Christian Church kina El Shaddai leader Bro. Mike Velarde at Catholic priest Fr. Sonny Ramirez na huwag nang magpagamit sa Malacañang at itigil ang pagdedepensa sa Pangulo.

Sa isang panayam sa radio station dzRH, tumanggi si Vice President Gloria Macapagal-Arroyo na magbigay ng komentaryo sa impeachment proceeding laban kay Estrada.

Ipinaliwanag ni Arroyo na, dahil sa pangyayaring nasa linya siya ng mga dapat humalili sa Pangulo, hindi siya dapat magbigay ng anumang pahayag.

Nagbitiw noong nakaraang linggo si Arroyo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development kasunod ng pagkakasangkot ni Estrada sa jueteng. Pumalit sa kanya sa DSWD si Dulce Saguisag na asawa ni dating Senador Rene Saguisag. (Ulat nina Marilou Rongalerios, Joy Cantos, Jhay Mejias, Andi Garcia at Lilia Tolentino)

ALLIANCE OF CHRISTIAN CHURCH

ANDI GARCIA

COMMODORE DOMINGO CALAJATE

CONGRESSMAN ROILO GOLEZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DULCE SAGUISAG

EL SHADDAI

ESTRADA

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with