^

Banat Palaro

Alas Pilipinas swak sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alas Pilipinas swak sa semis
Hinatawan ni Sisi Rondina ng Alas Pilipinas ang Iran player sa AVC Challenge Cup.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Alas Pilipinas sa semifinals ng 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women matapos ang 25-16, 25-13, 25-15 demolisyon sa Iran kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Ito ang unang straight sets win ng mga Pinay Spikers para iposte ang 3-0 record sa Pool A tampok ang 13 points ni Sisi Rondina at 12 markers ni Angel Canino.

“Siguro iyong pagda­ting namin na naka-mind set na kami. It’s a must win talaga para maganda iyong spot namin,” sabi ng 5-foot-6 na si Rondina. “Siyempre, magtatrabaho pa rin kami at hindi kami magre-relax.”

Nauna nang pinadapa ng Alas Pilipinas ang Australia, 22-25, 25-19, 25-16, 25-21, at ang India, 22-25, 25-21, 25-17, 25-18.

Ipinahinga ni Brazilian coach Jorge Souza De Brito sina Eya Laure at Thea Gagate at ipinasok sina Dell Palomata at Faith Nisperos na tanging mi­yembro ng 2023 AVC Challenge Cup team.

Bagsak ang mga I­ranians sa 2-1 baraha.

Samantala, pinadapa ng Kazakhs­tan ang Indonesia, 25-17, 25-13, 25-22, para palakasin ang tsansa sa semis.

Nagbagsak si outside hitter Zhanna Syroyeshkina ng 23 points mula sa 19 attacks at apat na service aces para sa 2-1 baraha ng mga Kazakhs sa Pool B at inihulog ang mga Indonesians sa 1-2 marka.

“The first option for us is to win, this is the main goal,” sabi ni Kazakhstan team captain Kristina Belova sa torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.

Itinala rin ng Hong Kong ang 2-1 record sa Pool B matapos patumbahin ang Singapore, 25-14, 25-12, 25-12.

Nagposte si opposite spiker Lam Shum ng 17 kills habang may 15 mar­kers si Wing Lam Chim sa paghuhulog ng Hong Kong sa Singapore sa ikaapat na dikit na kamalasan.

Paglalabanan ng Kazakhstan at Hong Kong ang semifinals seat nga­yong ala-1 ng hapon  sa event na suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, AyalaLand, Nuvali, Foton, POC, PSC, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Makati Shangri-La, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at PilipinasLive.

Sa alas-7 ng gabi maghaharap ang Alas Pilipinas at Chinese-Taipei sa Pool A matapos ang laban ng Iran ang Australia (1-1) sa alas-4 ng hapon.

Sa unang laro sa alas-10 ng umaga ay sasagupain ng defending champions Vietnam (3-0) ang Indonesia sa Pool B.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with