Mga armas na ibinaon ng NPA, nahukay
CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines — Narekober ng mga pulis ang isang baril, apat na magazine at 70 piraso ng bala na hinihinalang pag-aari ng mga miyembro ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) NPA na ibinaon sa isang barangay sa Lucban, Quezon.
Ayon kay Quezon Police Provincial Office ( QPPO) PCol. Romulo Albacea, nahukay ang mga ito kamakalawa dakong alas-7:00 ng umaga matapos ituro ng isang dating rebelde .Kabilang sa mga narekober ang caliber .22 Magnum revolver na may binurang serial number, dalawang magazine ng M14 rifle, dalawang magazine ng M16 rifle at 70 bala.
Nasa kustodiya na ng 1st QPMFC ang mga nakuhang armas habang nagpapatuloy ang monitoring at pagsasaliksik ng mga awtoridad sa lugar.
- Latest















