^

PM Sports

Ateneo solo na sa tuktok

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat sa solo top spot sa team standings ang Ateneo de Manila University matapos nilang kalusin ang National University, 87-76, sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City kagabi.

Sinandalan ng Blue E­agles si Kieffer Alas sa final two minutes upang ilista ang 3-1 karta ng koponan at ipalasap sa Bulldogs ang pangalawang talo sa apat na laro.

Maagang lumabas ang bangis ng Bulldogs kaya naman hinawakan agad nila ang nine-point lead, 24-15, sa pagtatapos ng first quarter.

Nag-iba naman ang talbog ng bola sa second quarter, naagaw ng Ateneo ang bentahe at naka-ungos sila ng limang puntos, 45-40 sa halftime.

Nagbalak kumawala ng todo ng Ateneo sa third canto pero hindi sila pinalayo ng NU kaya dikit pa rin ang naging labanan papasok ng fourth quarter sa iskor na 67-63.

Nakahabol ang Bulldogs sa payoff period at lumamang pa ng isa pero naging matatag ang Blue Eagles at naitakas nila ang mahirap na panalo.

Samantala, nagwagi ang Adamson University laban sa University of Sto. Tomas, 85-57 para ilipad ang pangalawang panalo sa tatlong laro at upuan ang pang-apat na puwesto sa team standings.

Inakbayan ni Matthew Montebon ang Soaring Falcons sa opensa matapos ilista ang 21 points, pitong assists, limang rebounds, at dalawang steals upang ipalasap sa Growling Tigers ang pangalawang talo sa apat na salang.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with