Pirates tumukod sa Generals

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng maraming palitan ng lamang at sa bandang huli ay ang Emilio Aguinaldo College ang nanaig kontra Lyceum of the Philippines University, 89-79 kahapon sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Palytime FilOil Center sa San Juan.
Halos buong laro sinandalan ng Generals si EJ Castillo para sikwatin ang pangalawang sunod na panalo upang saluhan ang University of Perpetual Help System DALTA sa third spot ng Group B sa team standings tangan ang tig-2-3 records.
Nahirang na Best Player of the Game si Castillo matapos irehistro ang 23 points, tatlong rebounds at dalawang assists mula sa 9 of 14 sa field goal.
“I always tell the boys that fourth quarters in the NCAA are very tough,” sabi ni coach Jerson Cabiltes. “Luckily for us, we made big shots and we forced them to turnovers. Sa dulo, nakuha namin ‘yong laro.”
Kumana si Oftana ng 13 markers para tulungan ang EAC na ipalasap sa LPU ang pang-apat na kabiguan sa limang laro.
- Latest
















